Sa kasaluluyang panahon, hindi na maikakaila ng mga Pilipino ang pangangailngan ng mga itong matuto ng mga banyagang lenggwahe, lalung-lalo na ng “lingua franca” o ng Ingles, dulot ng globalisasyon at pangangailangang makipag-ugnayan sa mga karatig bansa.

Gayunpaman, habang lumiliit ang mundo ng mga Pilipino sa sariling wika nito, hindi natin maikakait na hindi mawawala sa  buhay natin ang wikang kinagisnan nito, katulad na lamang sa pakikipagtalastasan, hindi gumagamit ng Ingles o ibang lenggwahe sapagkat mawawala ang ang pagkakaisa ng diwa ng pagtatalastasan.

Bungad nito maraming Pilipino ang nagtatanong sa kanilang sarili: Kailangan ko pa bang matutunan ang ibat-ibang lenggwahe, lalung-lalo na ang lenggwaheng Ingles at ipagpatuloy natin ang paglinang ng ating sariling wika?

Gayunpaman, hindi natin maipagkakait na kailangan nating matuto ng banyagang lenggwahe ngunit kailangan rin nating mga Pilipinong pagyamanin ang ating sariling wika.

Ang mga Pilipino ay mayroong mahalagang tungkulin sa kanilang sinilangang bayan, at iyon ang mahalin ang pambasang wika. At sa kaukulang pagpapahalaga, maaari nating maipamalas ang nag-aalab na damdaming makabayan at pambansang pagkakaisa.

Mabuhay ang Wikang Filipino!!

————————————————————————————————————————-

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.