Ang Pilipinas, isang asyatikong bansang noon ay pinagkaitan ng sariling kasarinlan ngunit pinagbuklud-buklod ng tawag ng panahon upang maghimagsik laban sa mga mananakop.

Isa itong kahanga-hangang gawain na nagpapakita ng pagiging makabayan sa kanyang bansang sinilangan, ngunit maggagawa ba naman ng kasalukuyang henerasyon ang ganitong pagtatangol sa ating kaunlaran at katatarungan?

Kung ating pagbabatayan ang larawan sa itaas, sila ang ilan sa mga may pinakamalaking iniambag sa ating bansang aspektong pangkaunlaran at pangkatarungan. Ngunit habang sila ay nagpapatuloy sa kani-kanilang estratehiya upang mapa-alis ang mananakop, kailangan nila ng isang mahalagang tulay tungo sa pagkakaisa ng kanilang mga kasapi o tauhan, ito ay ang WIKA.

Sa kanilang pakikipagtatalastan sa mga ito, nangagailangan ito ng isang wikang naiintindihan ng nakakarami ng kasapi nito na  nagdudulot ng pagkakaisa ng mga minimithi at saloobin  ng kanilang nag-aalab na puso na tumutugon sa pagtatagumpay ng kanilang minimithi.

Kung ating iisipin ng malalim, hindi natin matatamasa ng lubusan ang ating natatamo o ginagamit kung walang kasarinlan na idinulot ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino noon sa pamamagitan ng isang mahalagang tulay, at ito ang wikang FILIPINO.

Kaya atin itong palaganapin at pagyamin, na nasa sa iyong palad lamang na abot kamay na.

Mabuhay ang Pilipinas!

———————————————————————————————————————————————-

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.