Hunyo 19 1861, petsa ng kaarawan ni Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala sa tawag na Dr. Jose Rizal, Pambansang Bayani ng Pilipinas, at noong Hunyo 19 861, ipinagdiriwang ng buong sambayanang Pilipino ang ika-150 kaarawan niya.

Ngunit, kilala ba ng buong puso ng sambayanang Pilipino kung sino si “Pepe” sa buhay ng bawat isa?

Kung babalikan ang kasaysayan ng Pilipinas, si Rizal ay binaril at namatay sa Dapitan sa dahilanang nais niyang isulong ang kaniyang ninanais na mangyari sa kaniyang bansang sinilangan at ngayon ay nakamit na ng husto nito. Dulot nito, tinagurian siyang Martyr sa kanyang bayan sinalangan.

Kung ating iisipin ng malalim, siya ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng buong laya ang Pilipinas. Si Rizal ang naging hudyat ng sambayang Pilipino na maghimasik  laban sa mga mananakop sa dahilanang natatak sa kanilang mga puso na sa pag-aaalsa nila, maaring magtagumpay sila laban sa mga mananakop na nagbunga naman ng isang magandang pangyayari.

Ngunit, dulot  ito ng isang napakahalagang bahagi ng bawat isa, ito ay ang pagmamahal nila sa sarili nitong wika. Sa pagmamahal na ito, namayani sa kanilang puso ang pakikipaglaban para dito.

Ito’y simulan sa iyong sariling paraan, gamitin at ipalaganap!

Mabuhay ang Pilipinas!

______________________________________________________________________________________________________________________

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.