“Sa ikakaunlad ng Bayan disiplina ang kailangan”

Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos, Sr.-

Sa isang bansang umuunlad o kahit na ano pang organisasyon, ipinapatupad ang disiplina sa dahilanang ito ang nagpapanatili ng kaayusan, pagkakapantay-pantay at pagkakaisa ng mamamayanan o kasapi nito. Nangangailangan  rin ito ng isang magpapatupad na lider na mayroong ika nga ‘Pusong Bato at Kamay na Bakal’ upang mapasunod sa patakaran ang kanyang mga nasasakupan.

Ngunit, sumusunod ba naman sa ganitong patakaran ang mamamayang Pilipino?

Ang disiplina ng sangkatauhan sa kanilang sarili ay kapaki-pakinabang. kung ating titingan ang larawan sa ibaba, hindi silang magtatagumpay sa kani-kanilang larangan kung walang disiplina. Ito ang nagiging daan upang umunlad at magtagumpay sila rito.

 

Ngunit habang ang panahon ay lumilipas, wala pa ring pag-unlad ang Pilipinas. Patuloy na umaasa ang mamamayan nito sa pamahalaan ng Pilipinas sa pag-unlad ng ekonomiya at iba pang aspekto. Kung mayrong lamang disiplina ang bawat mamayanang Pilipino, maaring silang maging matagumpay sa kanilang kani-kanilang larangan o buhay.

Abot kamay na ng mga mamayang Pilipino ang pag-unlad. Nangangailangan lamang ito ng disiplina at pagkakaisa at panghihikayat ng mamamayang Pilipino. Simulan mo ito sa iyong sarili ngayon din!

Mabuhay ang Pilipinas!

———————————————————————————————————————————————-

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.