Sa ikauunlad ng Pilipinas at ng kanyang nasasakupan, kailangang tahakin ang daang matuwid, ika pa nga ni Benigno “Noynoy” Aquino III, Pangulo ng Pilipinas.

Ngunit nakakasigurado ba ang Pangulo na sa pamamagitan ng kaniyang Administrasyon ay maitutuwid niya ang nakasanayang landas ng nasasakupan nito?

Sa ngayong panahon, maraming maseselang usapin ang nagiging kumpulan ng sambayang Pilipino na nagdudulot  na mag-isip ng baluktot at masama sa naturang administrasyon na maaring maging sanhi ng ng baku-bakong landas.

Ang pinakahuling isyu na may kinalaman dito ay ang usaping pangkapayapaan na kinasangkutan ng nasabing admistrasyon at ang kanyang mga pamamamaraan na balot ng hindi malinaw na mga pamantayan. ‘Di umano’y tadtad ang administrasyon ng “kaliwang puwersa” na maaring maging sanhi ng kabaluktutan ng pamahalaan

Ngunit sa huli, iiisa pa rin ang manananaig at magtutuwid ng landas ng sambayan, at ito ang pagpapahalaga sa sariling wika. Darating ang araw na magbubuklod at tatahak sa tuwid na landas ng sambayanan na inaasam ng nakararami, dulot nito.

Ito’y malaimposibleng mangyari ngunit kung ating titignan ng mas malalim, maaaring magdulot ito ng tuwid na landas sa dahilang mas mananaig ang kanilang mga saloobin.

Ito ay maisasakatuparan lamang sa pamamamagitan mo,kaya simulan ito at ipalaganap na.

Mabuhay ang Pilipinas!

______________________________________________________________________________________________________________________

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.