Ang Pilipinas, isang asyatikong bansang noon ay pinagkaitan ng sariling kasarinlan ngunit pinagbuklud-buklod ng tawag ng panahon upang maghimagsik laban sa mga mananakop.
Isa itong kahanga-hangang gawain na nagpapakita ng pagiging makabayan sa kanyang bansang sinilangan, ngunit maggagawa ba naman ng kasalukuyang henerasyon ang ganitong pagtatangol sa ating kaunlaran at katatarungan?
Kung ating pagbabatayan ang larawan sa itaas, sila ang ilan sa mga may pinakamalaking iniambag sa ating bansang aspektong pangkaunlaran at pangkatarungan. Ngunit habang sila ay nagpapatuloy sa kani-kanilang estratehiya upang mapa-alis ang mananakop, kailangan nila ng isang mahalagang tulay tungo sa pagkakaisa ng kanilang mga kasapi o tauhan, ito ay ang WIKA.
Sa kanilang pakikipagtatalastan sa mga ito, nangagailangan ito ng isang wikang naiintindihan ng nakakarami ng kasapi nito na nagdudulot ng pagkakaisa ng mga minimithi at saloobin ng kanilang nag-aalab na puso na tumutugon sa pagtatagumpay ng kanilang minimithi.
Kung ating iisipin ng malalim, hindi natin matatamasa ng lubusan ang ating natatamo o ginagamit kung walang kasarinlan na idinulot ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino noon sa pamamagitan ng isang mahalagang tulay, at ito ang wikang FILIPINO.
Kaya atin itong palaganapin at pagyamin, na nasa sa iyong palad lamang na abot kamay na.
Mabuhay ang Pilipinas!
———————————————————————————————————————————————-
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.
Tama ka dyan Raymond. Marami na rin talagang nakakalimot sa sarili nating wika. Kahit nga ako minsan nahihirapan na rin magsalita at magsulat sa Filipino. Isang senyales na talagang na-i-impluwensyahan na tayo ng ibang kultura. Kaya nga naisip ko rin na magsulat ng isang blog sa tagalog kasi puro english na lang si Google. Para rin makatulong sa ibang pinoy na naghahanap ng impormasyon sa sarili nating wika.
Saludo sayo!
Maraming salamat sa iyong komento at papahayag ng iyong saloobin!!
Naku! Lumampas ang bilang ng mga salita sa iyong blog-post! 203 salita ang mayroon sa post na ito!
Kung iyong mamarapatin, nasa 198 letra lamang po ang aking ginawang blogpost at hindi na po kailangang idagdag sa bilang ang tittle… Ngunit maraming salamat rin sa iyong komento!!
Tama pala…. Soree!
Sana mapagpatuloy mo ang pagbabLOG AT ANG PAGPAPALAGANAP ng salita tungo sa kaunlaran ng ating bansa.
Tama!!! tlaga,, kelangan nating mahalin ang ating wika,,,
Ipagmalaki mo ang pagiging pilipino at wag ikahiya ang sariling wika, saludo kami sa iyo raymond
Pagpatuloy mo lang yan alam kong mahihikayat mo ang mga ibang tao na gamitin ang wikang pilipino, at good luck sa iyong nasalihan na contest, sana manalo ka
Gamitin ang ating sariling wika at wag itong ikahiya, saludo kami sa iyo raymond
,isang malaking tlong kuya raymond ang pagsusulat mo ng blog tumgkol sa ating sariling wika, nabuo ang ating sariling wika sa dahilan ng ating mga bayani na magkaroon ng sariling wika ang ating bansang minamahal upang magkaisa, magmahalan, magtulungan at magkaunawaan tayong mga Pilipino, para sa ikakaunlad ng ating bansa at sa pagiging malayang bansa nito kaya kailangan natin itong gamitin, tangkililin,pagyamanin at mahalin!
Sobrang importante ng blog mo Raymond sapagkat tungkol ito sa Wikang Filipino sana mabasa ito ng mga ANIME FANS sapagkat ang iba ay natututo ng magsalita ng Japanese language.
may ibat iba nang lengguwaheng natutunan ang mga Pilipino, ang iba ay nasasanay ng magsalita ng Inges, ang lengguwaheng kombinasyon, ang TAGALOG-ENGLISH o ang TAGLISH,at ang dapat na maalis sa kultura ng Pilipino ay ang Lengguwaheng JEJEMON na binubuo ng mga letra, mga numero at iba pang mga simbolo, ginawa upang mapadali ang pagsulat ng mensahe at nagpapasira sa kultura at lengguwahe ng mga Pilipino. Sobrang importante ng blog mo.
MABUHAY PILIPINAS!!!!!!